Interview

Interview with Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador S. Panelo by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas)


TULFO: (RECORDING START) … kasama ba diyan iyong paglalagay ng mga pangalan sa mga alcohol, mga face mask, mga sako ng bigas, pangalan nila, kasama ba diyan, huwag nang ilagay?

SEC. PANELO:  Hindi. Hindi nilalagyan ng mga pangalan, siyempre galing sa gobyerno. Saka dapat wala nang pangalan. Ang alam din ng lahat, galing sa kanila, ibig sabihin galing sa gobyerno.

TULFO:  So, wala na dapat pangalan ni Mayor diyan o chairman, huwag nang lagyan.

SEC. PANELO:  Hindi na dapat. Kaya nga sinabi ni Presidente, walang pulitika-pulitika diyan eh.

TULFO:  May pangamba din po at ito ay talagang hindi mawala-wala ay tama raw iyong sinabi ng Pangulo, agree po ang mga kababayan natin na sinasabi namimili, kapag hindi ka botante, ikaw ay renter, ito po ang problema iyong mga nangungupahan lang, sir, doon sa Barangay hindi binibigyan ng chairman dahil hindi naman daw sila ang may-ari noong bahay.  Eh ito po iyong reklamo nila, Secretary.

SEC. PANELO:  Mali iyon, dapat lahat ay tatanggap, wala tayong i-exempt diyan, kailangan lahat ng mga residente or household, kailangan mabigyan.

TULFO:  Panghuli na lang, Secretary Sal, ito po iyong pangamba ng mga kababayan natin, iyong darating na ayuda para sa mga informal workers na 18 million po sila na iyong sinasabing P8,000 per worker ay baka daw mabawasan, sir, baka kupitan pa ng mga local officials. Ano raw po ba ang pamantayan o ang guidelines o ang measures para hindi mabawasan pagdating mismo doon sa informal worker, itong ayuda ng national government, Secretary.

SEC. PANELO:  Gaya ng sabi ni Presidente kung local official ka, immediately suspended ka at after that mayroon pang demanda ang hahabol sa iyo, hindi sila papalusutin ni Presidente; at mayroon tayong mga auditors diyan, mahihirapan sila.

TULFO:  Sir, pupuwede rin po bang hingan ng… I don’t know kung COA ba o ang DILG hingian ng weekly report ang mga LGU natin kung magkano na ang nagagasta nila sa mga tao. Kasi may mga nakakarating na report, sir, isang kilong bigas, dalawang sardinas, isang linggo daw kakainin eh limang tao iyong tao sa pamilya, papaano naman magkakasya. Pupuwede bang hingan sila ng ika nga report na magkano na ba ang nagagasta ninyo sa inyong constituent diyan. Can that be possible?

SEC. PANELO:  Hindi lang possible, talagang requirement iyon, kailangang i-audit sila, may inventory iyan eh. Kailangan magbigay sila ng report.

TULFO:  Kasi ang Senado hinihingan ang Pangulo ng report; eh di dapat itong mga LGU na ito bigyan din ng report ang Palasyo na ito po ang nagasta namin, ito na po ang naibigay namin sa Barangay 1,2,3; Barangay 4,5,6, di po ba, Secretary?

SEC. PANELO:  Oo. Kasi kasama nga iyon sa report ni Presidente. Ang report ni Presidente base doon sa pagpapatupad mo ng batas at kasama iyon; iyong report ninyo sa Presidente iyon din ang ire-report ninyo sa Kongreso.

TULFO:  Sir, if ever ano naman po ang puwedeng ikaso sa mga politikong ito na mahuhuli na sumusuway dito at nangungupit pa ng ika nga ipamimigay sa mga tao nila. May kaso ito, di ho ba?

SEC. PANELO:  Marami. Unang-una, puwedeng theft, pagnanakaw iyon, hindi naman kanila iyon. Pangalawa, puwede sila sa anti-graft, puwede silang ma-dismiss. Marami silang puwedeng, we will throw the kitchen sink at them if they do that.

TULFO:  Secretary Salvador Panelo, maraming salamat, sir. Magandang umaga, mabuhay po kayo at ingat po kayo, sir.

SEC. PANELO:  Salamat.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource