Interview

Interview with Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson Salvador S. Panelo by Henry Uri (DZRH – Coffee Break)


URI:  Secretary Sal, good morning po sa inyo.

SEC. PANELO:  Good morning, Henry.

URI:  Sec, ang unang-unang concern lang noong ating mga kababayan na natatakot ng pumasok, ayaw nang umalis ng bahay pero pinipilit noong kanilang mga amo na pumasok. Ano ba ang pupuwede nating itulong dito?

SEC. PANELO:  Well, mas maganda iyong nasa bahay na lang sila at saka sabihin natin sa mga employers nila na they should be understanding; hindi naman pupuwedeng pilitin natin iyong ayaw.

URI:  Kasi kung halimbawang essential man sila sa opisina pero dahil sa takot, Secretary, ayaw nang lumabas baka daw ho sila ay masuspinde o baka matanggal. Kung sakaling mawalan sila ng trabaho, paano sila aayudahan ng gobyerno?

SEC. PANELO:  Iko-consider ng DOLE iyon. Kasi nasa ano tayo eh, nasa hindi pangkaraniwang pagkakataon o kalakaran. Kaya dapat lahat ngayon ay maging maunawain.

URI:  Mayroon bang mga posibleng financial assistance, livelihood assistance ang gobyerno doon sa mga mawawalan ng trabaho?

SEC. PANELO:  Oo, gaya ng sinabi ni DOLE Secretary Bello ay mayroon tayong nakahanda roon. Kaya lang gagawa tayo ng sistema siyempre para organized iyong pagbibigay ng support.

URI:  Opo, ito po ba ay natalakay na itong bagay na ito o tatakayin pong pormal sa IATF?

SEC. PANELO:  Di ba mayroon namang sinabi si Secretary Bebot, mayroon na siyang sistema doon.

URI:  Pangalawang tanong, Secretary. Kahapon, kagabi noong nag-uusap tayo, nabanggit po ninyo na possible, may tiyansa na mapag-usapan sa IATF meeting ninyo ng Pangulong Rodrigo Duterte and other officials na matalakay iyong suhestiyon na i-extend iyong community quarantine outside Metro Manila, tama po ba?

SEC. PANELO:  Lahat iyan ay pag-uusapan, lahat ng pupuwedeng mga mungkahi na nanggagaling sa iba’t-ibang mga ahensiya ng gobyerno, iyong nagmo-monitor ng sitwasyon mula kahapon ay tatalakayin.

URI:  Secretary, ngayong umaga bumulaga po ang napakaraming litrato at kuha sa video ng ating mga kasamahan sa hanapbuhay, talagang hindi po nasunod halos iyong social distancing sa pilahan sa MRT, sa mga bus, doon sa mga checkpoint. Paano po kaya ito, Secretary Sal?

SEC. PANELO:  Eh kasama iyon sa ide-discuss mamaya. There should be a more stricter implementation ng social distancing, self quarantine.

URI:  You have said that magkakaroon ng more stricter ano ho.

SEC. PANELO:  Yes, more strict, ang magiging implementation diyan, hindi pupuwede iyong pananatilihin natin iyan, otherwise magkakahawaan tayong lahat.

URI:  Oho, talagang siguro nakita na ninyo iyong mga litrato at video talagang, Secretary, disappointing iyon sapagkat dikit-dikit eh, hindi naman po nasunod iyong social distancing.

SEC. PANELO:  Kahit iyong sa mga jeep hindi rin nasusunod.

URI:  Sec, binanggit ni Senator Bong Go kanina sa akin na mayroong malaking… maraming malaking pronouncement si President Duterte mamaya. Would you know kung ano ito, Secretary?

SEC. PANELO:  Depende iyon kasi sa pag-uusapan mamaya, depende sa maririnig ni Presidente at depende sa nakikita niya, sapagkat by this time marami na rin siyang nalalaman tungkol sa nangyari kahapon at saka ngayon.

URI:  Sec, assurance lang sa ating mga kababayan, please assurance lang sa ating mga kababayan na hindi sila magugutom. Iyon ang talagang concern ngayon lalo iyong mga nagtatrabaho.

SEC. PANELO:  Alam po ninyo, tayo ay nakahanda sa ating mga kababayan at hindi natin sila—unang-una, kapag nagkaroon ng anumang uri ng quarantine, total  o partial o hindi, palaging papabuksan natin iyong mga… halimbawa iyong palengke, iyong grocery, hahayaan natin iyan sapagkat kailangan iyan eh. Mayroon din tayong naka-ready na food pack just in case, naka-ready lahat iyan, pero siyempre may sistema; kaya iyong mga Barangay Captain, iyong mga Town Mayors, City Mayors naka-ready din sila.

URI:  Oho, kasi nga iyon ang concern ng iba – may bukas ba na palengke, grocery, wala naman kaming pambili, sapagkat nahinto na iyong pinagkakakitaan araw-araw.

SEC. PANELO:  Mayroon tayong nakalaan sa kanila.

URI:  Ang pondo ng gobyerno ay intact, maraming pera ang gobyerno?

SEC. PANELO:  Supisyente ang pera ng gobyerno. Kaya iyong mga humihingi ng donasyon na mga pribado, eh kailangang ipaalam nila sa taumbayan na iyong hinihingi nilang donasyon ay para doon sa kanilang organisasyon lamang at tutulong sila sa gobyerno. Kasi parang pag himingi  ka ng donasyon, eh parang lumalabas na… lalo pa at sabihin mo production ng  testing ganito, eh mayroon tayong supisyenteng pondo para doon, ginagawa na ng gobyerno iyan. Parang lumalabas tuloy, hindi tayo handa, makakasira iyon, nakakadagdag pa ng apprehension sa tao.

URI:  I understand mayroong binabanggit po kayo na maski iyong Asian Development Bank, I think na magbibigay sila grant. Tama ho ba?

SEC. PANELO:  Meron, magbibigay sila ng 3 million dollars, mali ang dinig ko kay Secretary Sonny Dominguez. Ang dinig ko, parang ang nasabi ko 40 pa nga to 400 million. Hindi 3 million dollars! It’s about 150 million pesos.

URI:  That is on top of what funds, on top of how much?

SEC. PANELO:  Mayroon pang PAGCOR na 2 billion, mayroong ding PCSO na 400 million. Pagkatapos iyong ating Budget Secretary ay naka-ready nang mag-release ng pera.

URI:  So, saan nakatutok iyong mga pondong iyan, ano ang paggamitan niyan kung sakali?

SEC. PANELO:  Lahat iyan sa pangangailan sa medisina, sa mga testing equipment, sa ating pag-implement ng quarantine, sa pagbibigay ng financial doon sa mga mawawalan ng trabaho at sa pagkain. Lahat iyan ay nakatutok diyan.

URI:  Sec, anong oras iyong meeting mamaya?

SEC. PANELO:  Alas-dos.

URI:  So posibleng mag-announce ang Pangulo ng mga bago at maraming pronouncement. Mga anong oras po iyong aasahan natin?

SEC. PANELO:  Ay depende kung anong oras kami matapos.

URI:  Oho, so we expect, pagabi na iyan, ano ho?

SEC. PANELO:  Puwede; puwede ring hindi.

URI:  All right, pero ang sigurado talaga may ina-announce siya mamaya?

SEC. PANELO:  May mga nakikita tayong kailangang baguhin.

URI:  Secretary Sal, maraming salamat po sa inyo.

SEC. PANELO:  Salamat din, Henry.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource